Day: Saturday.
Time: Around 4:00pm.
Location: Santolan, Pasig
Friday night,tumambay kaming magkakaibigan para maglaro ng aming bagong kinaadikan na Monopoly Deal. Tamang tama din ay onti onting napupuno ang stickers ng starbucks planner dahil hindi namin napapansin ang madalas naming pagbili ng kape. Nakita namin ni noreen ang jelly wallet nila kia at joan. Agad naming nagustuhan ito at nabanggit nga nila na sa Greenhills nila ito binili.
Jelly Wallet |
Saturday morning, nagkayayaan muli na tumambay at subukang bumili ng jelly wallet sa Greenhills. Mga past 3:00 pm nagkitakita sa bahay nila Noreen para sabaysabay na magjeep papuntang Greenhills via Rosario-Quiapo route galing ng Marikina.
Nang nakasakay na sa jeep, sayang-saya pang nagkukuwentuhan. Magkakatabi kaming apat; Joan, Kia, Noreen, Ako, tapos katapat naman ni Joan si Beryl. Sa may bungad sila nakaupo. Maliit at makitid ang jeep, pag may kaharap ka, knee to knee na kayo ng kaharap mo. Halos puno ang jeep ngunit pag dating sa Santolan, Pasig, nagbabaan ang ibang pasahero, ang ibang pasahero sa dulo ay umurong patungo sa bungad. So, ang mga natitirang vacant seats ay makikita sa bandang dulo, sa likod ng driver.
Pagkababa nang ibang pasahero, may 3 lalaki agad ang sumakay. Ang unang lalaki ay pilit na pinaurong ang lalaki sa tapat ni noreen para makaupo siya sa gitna. Tinapik niya sa tuhod ang katapat namin at sinabing "Urong nga masakit ang paa ko". May hawak na backpack ang lalaki na tila walang laman. Akmang akma na parang dudura. Isang babae lang ang pagitan nila ni Beryl. Ang pangalawang lalaki naman ay parehong istilo din ang ginawa. Pinaurong yung katapat ko (parehong pasaherong pinaurong nang unang lalaki) tinapik sa paa at sinabihang "Urong nga masakit ang paa ko" May napansin lang ako sa pagtapik, parang medyo may grip. So magkatabi na sila ng unang lalaki. Ang pangatlong lalaki naman ay sumabit sa jeep na papasok ang istilo, nasaloob ang ulo habang may kausap sa celphone. Sa liit ng jeep, harang niya agad ang pasukan/labasan kaya't hindi kita nang sasakyan sa likod ang maaring mangyari sa loob ng jeep. Nakababa din ang malabong plastic na tumatakip sa bintana ng jeep na tila umuulan.
Holdaper man o hindi, naisip ko, kailangan nang bumaba. Kapraningan man, basta, gusto kong bumaba. Nagtataka si Noreen bakit nagyayaya na ko bumaba. Tamang tama pareho kami ng iniisip ni Kia. Gusto niya rin bumaba. Sabi ko, tara na bumaba na tayo. Nag intay lang ng mga 7 sec, pumara na si Kia (kalmado, halatang tinatago ang kaba). Parang nagkatingininan ang tatlong lalaki na kunwari ay di magkakakilala.
Naimagine ko na ang pinakamalalang sitwasyon, kala ko'y di kami papababain, naimagine ko nang sinusurrender nila noreen beryl at kia ang phone nila. Shit.
Goosebumps. Pagbaba namin, bumaba na rin sila sa susunod na kanto. Nagjeep ba sila para lang bumaba sa susunod na kanto?
Hay pasko na nga.
2 comments:
reading this, i got goosebumpos. potek. buti ang bibilis ng reaction nyo. ni kia pala. :)) good you're safe. lahat kayo at buti nga at pinababa kayo at maaga pa un.
oo noh buti na lang di pa sila nakaporma :| afraid! hehe
Post a Comment